-- Advertisements --
image 79

Nagsagawa ang Metro Manila Development Authority(MMDA) ng declogging operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ay sa kasagsagan pa rin ng nagpapatuloy ng mga pag-ulan at pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila kung saan inaabot ng lampas tao ang ilang bahagi nito.

Kasama sa mga lugar na tinungo ng Metro Parkways Clearing Group at Flood Control and Sewerage Management Office ng MMDA ay ang mga sumusunod na lugar:

1. España Boulevard – Maynila
2. Brgy. Pinagsama – Taguig
3. Lagusin ng tubig sa Manila Bay
4. Mga kanal sa Roxas Boulevard
5. C-5 road sa Palar Village sa Taguig City.

Maliban sa mga declogging operation, kinailangan din ng grupo na hakutin ang mga basurang nakatambak sa ilang bahagi ng Metro Manila na silang nagdudulot ng clogging o pagbara sa mga kanal at lagusan ng tubig.

Kasabay nito, patuloy ang panawagan ng MMDA sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura.