-- Advertisements --
Nakalatag na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority ng nasa 1500 na mga traffic enforcers bilang paghahanda sa Barangay and Sanguniang Kabataan Election at paggunita ng sambayanang Pilipino sa Undas 2023.
Iniulat ng MMDA na simula noong biyernes ay nakaranas na ng pagbigat ng trapiko sa South Luzon Expressway, North Luzon Expressway at Skyway dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga provincial terminals na pauwi ng probinsya.
Ayon sa ahensya, naobserbahan din ang pagbigat ng trapiko malapit sa mga paliparan, pantalan.
Nag abiso din ang mga byahero na mag baon ng pasensya, maging matiyaga, magplano at pumunta sa mga palisidad ng maaga.