-- Advertisements --
Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko patungkol sa mga kumakalat ngayon na pekeng link na nagsasabing maaaring alamin kung may violation ang isang motorista sa muling pagpapatupad ng Contact Apprehension Policy (NCAP). Nilinaw nila na kasalukuyan pa nilang inaayos ang opisyal na website para sa NCAP.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, maglo-lauch pa lamang sila ng app na tatawaging “May Huli ka App” kung saan maveverify ng mga motorista kung may naging violations ba talaga sila.
Aniya, hindi sila magiging strikto sa pagcocontest ng mga motorista.