-- Advertisements --
Nagbabala ang MMDA sa publiko ukol sa mga driver na nagmamaneho ng sasakyan na may impluwensiya ng alak.
Ayon sa MMDA, mahigpit na ipinagbabawal sa batas trapiko ang pagmamaneho ng lasing.
Ang sinumang mahuhuli na nasa impluwensiya ng alak o di kaya ay ipinagbabawalna gamot habang nagmamaneho ay maaaring maparusahan.
Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged driving Act.
Mahigpit na nagpapaalala ang MMDA na maging responsableng driver upang makaiwas sa anumang aksidente na posibleng mangyari.