-- Advertisements --

Nakatakdang magtalaga ng nasa mahigit 2,000 mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t-ibang mga pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR) para sa darating na Semana Santa.

Sa isang statement ay sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na magtatalaga sila ng nasa 2,681 MMDA personnel sa mga kalsadang patungo sa provincial bus terminals, seaports, airports, at mga pangunahing simbahan.

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng maraming mga pasahero na inaasahang babyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa darating na long weekend.

Bukod dito ay maglalagay din ng mga traffic enforces at iba pang personnel ang MMDA sa mga simbahang madalas na pinupuntahan ng mga deboto tulad ng Quaipo Church sa Maynila, Sto. Domingo Church sa Quezon City, at iba pa.

Pagsapit naman Maundy Thursday at Good Friday ay sususpindihin ng kagawaran ang number coding sa buong rehiyon.

Ang nasabing deployment ay bahagi ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022” ng pamahalaan katuwang ang Philippine National Police (PNP), National Capital Region Police Office (NCRPO), mga local government units, traffic bureaus, at iba pang ahensya ng gobyerno.