-- Advertisements --
Kinondina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapakalat ng mga pekeng larawan ukol sa L-shaped flood barriers sa EDSA.
Ayon sa MMDA na nag kumalat na mga larawan sa social media ay AI (Artificail Intelligence) generated.
Makikita sa kumalat na larawan na ang isang gutter-deep na baha na puno ng mga basura sa kahabaan ng EDSA, Quezon City.
Dagdag pa nila na ang larawan ay kuha mula sa pagprepositioned ng mga flood barriers sa harap ng Camp Aguinaldo bilang paghahanda sa bagyong Inday.
Pinalitan nila ang ilang detalye ng larawan at nilagyan ng mga basura para magkalat ng negatibong impresyon.
Dahil dito ay pinayuhan ng MMDA ang publiko na maging vigilant kung saan i-verify mabuti ang mga impormasyon nakukuha sa online.















