-- Advertisements --

Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded number coding scheme ngayong araw Disyembre 8.

Idineklara kasi ngayong araw bilang non-working holiday sa bansa dahil sa kapiyestahan ng Immaculate Conception.

Kahit na suspendido ang nasabing number coding scheme ay may mga nakaantabay na personnel ang MMDA na siyang magbabantay sa mga lalabag sa batas trapiko.

Pinayuhan din ng MMDA ang mga may sasakyan na sumunod sa batas trapiko na ipinapatupad sa bansa para maiwasan ang anumang aberya.