-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila sa Nobyembre 30 bilang obserbasyon sa Bonifacio Day.
Ayon sa MMDA na walang maipapatupad na number coding scheme sa nasabing araw sa oras na 7am-10am at 5pm hanggang 8pm.
Isa kasig regular holiday ang nasabing araw base na rin sa nakasaad sa batas.
Patuloy din ang panawagan ng MMDA na maging maingat sa pagmamaneho para maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.









