Tinukoy na ng Metropolitan Manila Development Authority ang ilang mga kalsada patungong Rizal Park na isasara bukas , Hunyo 12.
Kaugnay ito ng isasagawang mga programa sa paggunita ng ika 127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas sa naturang parke.
Batay sa inilabas na abiso ng MMDA, hindi maaaring daanan ng mga motorista ang northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula sa bahagi ng Buendia hanggang P. Burgos Drive.
Isasara ito mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang pagsapit ng alas-11:00 ng umaga sa parehong araw.
Maliban sa mga nabanggit na kalsada ay isasara rin ng MMDA sa mga motorista ang
Bonifacio Drive (mula P. Burgos – Anda Circle)
TM Kalaw (mula Taft Avenue – Roxas Blvd.)
P. Burgos (mula Taft Ave. – Roxas Blvd.)
Finance Road (Taft Ave. – P. Burgos Drive)
Maria Orosa (from TM Kalaw – P. Burgos Drive)
Alas 12:01 naman ng hatinggabi bukas isasara ang sa mga motorista ang kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Road na tatagal hanggang alas-11:30 ng umaga bukas.
Inabisuhan naman ng ahensya ang lahat ng mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta para hindi maabala sa biyahe.