-- Advertisements --
Pinayuhan ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Romando Artes ang kanilang mga tauhan na pairalin ang pagiging kalmado at ang maximum tolerance sa mga ginagawa nilang clearing operations.
Sinabi ni Artes na sinabihan na nila ang kanilang mga tauhan na ipaubaya na sa mga pulis ang pag-awat sa mga nagagalit na residente na apektado ng kanilang mga operasyon.
Ang pahayag ay ginawa ni Artes matapos umanong suntukin ng isang barangay chairman sa Tondo, Maynila ang isang MMDA personnel habang nasa kasagsagan ng clearing operation sa lugar.
Samantala, inihayag din ni Artes na tutuluyan nila ang suspek na nanakit sa kanilang enforcer at clearing teams para maturuan ng leksiyon.