-- Advertisements --
pcg x mmda moa pasig river ferry

Nagtutulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang matiyak ang kaligtasan ng Pasig River Ferry Service.

Ito ay kasunod ng nilagdaang MOA ng dalawang ahensya.

Ang MOA ay naglalayon na isulong ang maritime security dahil ito ay naka-angkla sa Executive Order No. 35, o ang “Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development.

Sinabi ng MMDA na ang layunin ng pakikipagtulungan nito sa PCG ay pagandahin ang serbisyo ng river ferry.

Ipagpapatuloy ng MMDA ang kanilang mga administratibong responsibilidad para sa operasyon ng ferry sa ilog batay sa kasunduan.

Sa ngayon ay paiigtingin ng dalawang panig ang mga proyekto upang mas mapabuti pa ang maibibigay na serbisyo ng Pasig River Ferry Service.