-- Advertisements --
Nagpulong na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Water para matugunan ang anumang magiging epekto ng El Niño sa bansa.
Hiniling ng MMDA sa Manila water kung paano muling magamit ang mga tubig mula sa sewearage treatment plants.
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes na mayroong mga hakbang na silang tinalakay kasama si Manila Water Chief Operating Officer Engr. Arnold Jether Mortera.
Kabilang din na natalakay sa pulong ay ang agarang pagbibigay aksyon tuwing nakakaranas ng water leaks sa ilang mga pangunahing tubo sa bansa.