-- Advertisements --

Pinulong na ng Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Office ang mga information technology heads ng mga local government units sa Metro Manila.

Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa pagpapatupad ng single ticketing system.

Natalakay sa nasabing pulong ang interconnectivity requirements ng mga LGU sa Land Transport Management System ng LTO.

Sa pamamagitan nito ay agad na makikita o centralized na malalaman ng lahat ng LGU kung ang isang driver ay mga paglabag sa batas trapiko.

Magugunitang sa buwan ng Abril ang target ng pagpapatupad ng single ticketing system sa National Capital Region.