Bunsod ng tumataas na bilang ng mga lumalabag na motorista na gumagamit ng EDSA busway, nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Office na gumamit ng closed-circuit television (CCTV) cameras para ipatupad ang No-Contact Apprehension Policy.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng 2 ahensiya, ang MMDA ang siyang magbabantay ng CCTV para sa mga lalabag habang ang LTO naman ang magtatakda ng kaukulang mga parusa.
Ang naturang arrangement naman ay pabor sa LTO dahil mayroon lamang limitadong bilang ng traffic enforcers ang ahensiya.
Sinabi naman ni LTO Chief Vigor Mendoza na ang EDSA busway memorandum ay pilot test pa lamang at tiniyak na lalagyan din ng CCTV ang iba pang kalsada sa Metro Manila. (With reports from Bombo Everly Rico)