
Malapit nang magamit ng mga commuter sa Metro Manila ang bagong tayo na bus stops sa kahabaan ng EDSA, na inaasahang makakabawas sa traffic na dulot ng naturang public transportation.
Nitong araw sinilip ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 16 na bus stops na matatagpuan sa gitnang bahagi ng kabahaan ng EDSA.
Sa isang panayam sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago, 10 mula sa mga ito ang pwede nang magamit ng mga bus at commuter sa una o ikalawang linggo ng July.
Matatagpuan ang mga loading/unloading stop ng “EDSA Busway” sa mga istasyon ng MRT-3. Una nang sinabi ng Department of Transportation na target pa nilang dagdagan ang mga bus stop na ito.
Bukod sa fence o bakod, mayroon din waiting sheds at markings ang bagong bus stops para raw masigurong may social distancing.
Ani Pialago, papalitan daw nila ng orange plastic barriers ang concrete barriers na ginagamit ngayong pangharang tabi ng bus stops.
Kung maaalala, binatikos ni Sen. Nancy Binay ang inisyatibo ng DOTr na dahil tila pinage-eksperementuhan ng kagawaran ang pampublikong transportasyon.
Nanawagan naman ng suporta ang ahensya mula sa senadora.










