-- Advertisements --

Patay matapos maaksidente sa motorsiklo si mixed martial arts fighter Luri Lapicus sa edad 27.

Ayon sa ONE Championship na naganap ang aksidente sa Northwest Milan sa Italy nitong Biyernes.

Dinala pa ito sa pagamutan at matapos ang ilang araw ay nalagutan na siya ng hininga.

Mayroong record ito na 14 na panalo at dalawang talo sa kaniyang career.

Nagsimula itong lumaban sa ONE Championship noong 2019.

Huling laban nito ay kay Zebaztian Kadestam noong Agosto 26, 2022 kung saan natalo siya sa loob ng unang round sa pamamagitan ng technical knockouts.