BAGUIO CITY – Arestado sa Itogon, Benguet ang isang newly identified member ng kilabot bolt cutter-acetylene-termite gang na may operasyon sa buong bansa.

Nakilala itong si Wilber Olnosen Domanew alyas Wilbert Damanew at Tinong, 29, may-asawa, magsasaka at tubo ng Mountain Province.

Nahuli si Domanew nang isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest nito kahapon.

Inilabas ni Judge Rodolfo Dizon ng Regional Trial Court Branch 18, Ilagan City, Isabela ang nasabing warrant dahil sa kaso ni Domanew na robbery na may piyansang P48,000.

Ayon sa Itogon PNP, si Domanew ay newly identified member ng bolt cutter-acetylene-termite gang na may operasyon sa buong Pilipinas sa ilalim ni Alfred Rufino alyas Pal-eg.