-- Advertisements --

Binawian ng buhay ang nasa 3 katao habang 38 naman ang sugatan sa inilunsad na bagong missile attack ng Russia sa 2 apartment buildings sa Kryvyi Rih sa Central Ukraine na kadalasang tinatarget ng Russian attacks.

Nasa 10 inosenteng bata ang kabilang sa mga nasugatan sa pag-atake ng Russia. Sa nakalipas na magdamap puspusan ang ginawang paggalugad ng rescue teams upang mahanap ang mga survivors sa insidente.

Ayon sa Gobernador ng Dnipropetrovsk region na si Serhiy Lysak, nasa 28 adults at 10 bata ang naitalang provisional injury toll at nakumpleto na kalaunan ang rescue operations.

Tinamaan sa missile attack ng Russia ang isang 5-storey building at 9 na palapag na gusali.

Samantalam pinuri naman ni Presiden Volodymyr Zelensky na isinilang ay lumaki sa naturang siyudad ang rescue teams at nangakong papanagutin ang Russia sa kanilang pag-atake na kumitil sa kanilang mamamayan.