-- Advertisements --
Patuloy pa rin na umaani ng samot saring reaksyon ang pagtanghal kay Michelle Dee bilang Miss Universe Philippines 2023. Si Dee ay anak ng dating supermodel at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.
Natalo ni Dee ang 37 contestants noong coronation night, at e rerepresent niya ngayon ang bansa sa 72nd Miss Universe competition na gaganapin sa El Salvador.
Nasungkit din ni Dee ang ilang special awards, isa na rito ang Best in Evening Gown, parehong parangal na napanalunan niya noong nakaraang taon nang manalo siya bilang Miss Universe Philippines Tourism 2022.
Si Dee ay anak ng dating character actor na si Frederick “Derek” Dee at actress-beauty queen na si Melanie Marquez na kinoronahan ring Miss International noong 1979.