Tulad sa 2020 Binibining Pilipinas, naka-indefinite postponement na rin ang Miss International Beauty Pageant.
Bunsod pa rin ito ng hindi pa natatapos na banta ng Coronavirus Disease 2019 pandemic.
Ayon kay Akemi Shimomura, ang International Cultural Association chairperson, nakakapanghinayang para sa mahigit 65 contenders pero sana ay maunawaan ng kanilang pageant fans na prayoridad muna ang kalusugan ng lahat.
“Rest assured that through our slogan (Cheer All Women) we are still committed on pursuing our goal of supporting all women, and continuing with the legacy of this beauty pageant, which is to promote “friendship and goodwill with other countries in the world” and the “realization of world peace through international exchange,” saad niShimomura.
Kanila naman daw iaanunsyo agad sakaling makapili na ng petsa para sa coronation ng 60th Miss International.
Ang pambato ng Thailand ang kasalukuyang may hawak sa korona ng Miss International.
Habang ang Miss Philippines naman noong nakaraang taon ay Top 8 finish sa pamamagitan ni Atty. “Patch” Magtanong.