-- Advertisements --
Inanunsiyo ng organizers ng Miss Planet International pageant na kanselado na ang kumpetisyon sa Uganda sa darating na Nobyembre 19.
Sa kanilang social media sinabi nila na nabigo ang organizers na matugunan ang mga requirerments para maisakatuparan ang pageant.
Humingi na lamang ang organizers ng paumanhin dahil sa insidente.
Nagpasya na lamang sila gawin ang pageant sa Cambodia sa darating na Enero 2023.
Magugunitang noong nakaraang mga araw ay maraming mga kandidata ang nag-anunsiyo ng kanilang pagkadismaya kung saan maging ang kandidata ng bansa na si Herlene Budol ay umatras na rin sa kumpetisyon.