Miss Earth 2019
MIss Earth/ FB image

NAGA CITY- Nilinaw ngayon ni Naga City Mayor Nelson Legacion na wala pang pormal na kasagutan patungkol sa balitang posibleng hindi na matuloy ang coronation night ng Miss Earth International sa lungsod.

Sa pagharap ni Legacion sa mga kagawad ng media, sinabi nitong wala pang komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at ng
organizer ng naturang event.

Ngunit ayon kay Legacion, nakacomply naman aniya ang lungsod ng mga dokumento at iba pang kinakailangan para matuloy ang aktibidad.

Sa kabila nito, ang organizer pa rin aniya ang makakapagsabi kung matutuloy talaga sa Naga o hindi ang coronation night ng Miss Earth.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Allen Reondangga ang head ng Naga City Events, Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Naga na matuloy man o hindi ang naturang coronation night, may isang event pa rin na may kaugnayan sa Miss Earth ang gagawin sa naturang lungsod.