-- Advertisements --

Hinikayat ni United States First Lady Melania Trump na tigilan ang mga haka-haka base sa lahi ng isang indibidwal.

Ito ang naging panawagan ng first lady sa isinagawang Republican National Convention sa White House. Aniya mas makabubuti raw na pairalin ang pagkakaisa lalo na’t may krisis na pinagdadaanan ang Estados Unidos.

Dagdag pa nito, isa nang realidad ang racial unrest sa Amerika dahil marami ang hindi pinagmamalaki ang kanilang kinagisnang kasaysayan.

Dapat aniya ay magfocus na lamang ang bawat isa sa mga posibleng mangyari sa hinaharap habang natututo sa mga naganap noong nakaraan.

Sinimulan ang convention ngayon araw sa pamamagitan ng isang panalangin ng hustisya para kay Jacob Blake, 29-anyos na Black American, na pinagbabaril ng mga pulis sa Wisconsin.

“I urge people to come together in a civil manner so we can work and live up to our standard American ideals.” pahayag ng first lady.

“I also ask people to stop the violence and looting being done in the name of justice, and never make assumptions based on the colour of a person’s skin.”