Mas espesyal ang birthday ngayong taon ng misis ng retired striker ng Azkals na si Phil Younghusband.

Ito’y matapos isilang na ng dating gymnast at half Filipina-British na si Margaret Younghusband ang bouncing baby boy, ilang araw bago ang kanyang kaarawan.

Pinangalanan itong si baby Philip James na hango sa dating football star at sa lolo nito.

Hulyo noong nakaraang taon nang ikasal ang dalawa sa England matapos ang mahigit dalawang taon bilang magkasintahan.

Kung maaalala, dating girlfriend ni Phil ay ang aktres na si Angel Locsin na nakatakda na ring ikasal sa TV/film producer na si Neil Arce pero naabutan ng “lockdown’ ang paghahanda.