-- Advertisements --

Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan ang motibo ng pamamaril ng babae sa mister nito bago ang pagpapakamatay nito.

Nakita ang bangkay ng babae si Lyn de Bola sa loob ng sasakyan nila na nakaparada sa Quiapo , Maynila.

Bago nakita ang bangkay una ng nakita ang sugatang mister nito na si Alex na agad na itinakbo sa pagamutan.

Malaki ang paniniwala ng mga kapulisan na binaril muna ng babae ang kaniyang mister bago ito tuluyang nagpakamatay.