-- Advertisements --

Kumpyansa si Sen. Panfilo Lacson na walang magiging rason ang mga otoridad sa bansa na hindi maiintindihan ang Anti-Terrorism Act matapos ilabas ang implementing rules and regulations (IRR) nito noong Oktubre 17, araw ng Sabado.

Paliwanag ng senador, inaral ng mabuti ang IRR upang mabigyan nang pagkakataon ang mga pulis sa bansa na intindihin ang pagpapatupad sa naturang batas.

Si Lacson ay principal author at sponsor ng Republic Act No. 11479.

Pinalakpakan din nito ang myembro ng Anti-Terrorism Council (ATC) na siyang bumalangkas sa IRR.

Batay sa 48 page IRR na isinapubliko ng Department of Justice (DOJ), sa lahat ng pagkakataon ay kailangang gawing prayoridad ng gobyerno ang kapakanan ng mga Pilipino alinsunod na rin sa Constitution.

Nakasaad din dito ang maituturing na act of terrorism, tulad na lamang nang ng hakbang na maaaring magresulta sa kamatayan ng nakararami, pagsira sa mga government properties, at magdulot ng takot sa publiko.

Hindi naman kasama sa sa IRR ang advocacy, protests, dissent, artistic, at cultural expression lalo na at kung hindi naman nito intensyon ang makasakit ng mga indibidwal.

Una nang sinabi ni Lacson na umaasa siyang magbibigay liwanag ang IRR hindi lamang sa mga pulis ngunit pati na rin sa mga kritiko ng Anti-Terrorism Act.

Nangako naman ang mambabatas na sisiguraduhin niyang maayos na maipapatupad ang ATA at hindi kailanman ito maaabuso ng mga otoridad.