Maling impormasyon umano ang nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa paninindigan ni Sen. Manny Pacquiao ukol sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ng senador, kasunod ng pahayag ng presidente na mababaw ang pananaw ng mambabatas ukol sa foreign policy.
Para kay Pacquiao, ang kaniyang mga nasabi ukol sa pinagtatalunang parte ng karagatan at Chinese incursion ay hindi lamang simpleng personal na pananaw, kundi saloobin din ng maraming Filipino.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mababaw ang pagtingin ng senador sa sensetibong isyu kaya dapat na mag-aral muna ito nang husto.
Sa huli, nanindigan si Pacquiao na isinusulong lamang niya ang pagprotekta sa ating soberanya at mapayapang resolusyon sa West Philippine Sea dispute.
“I regret that the President was misinformed regarding my statement on the West Philippine Sea Issue. I firmly believe that my statement reflects the sentiment of majority of the Filipinos, that we should stand strong in protecting our sovereign rights while pursuing a peaceful and diplomatic solution to the dispute,” wika ni Pacquiao.