-- Advertisements --
20210111 172734

Mahaharap sa patong-patong na kaso at multa ang mga personalidad na nagtangkang magpasok ng mga smuggled na venomous scorpions at tarantulas dito sa bansa.

Ayon sa Bureau of Customs Port of NAIA nakasilid sa 28 plastic containers ang 20 endangered tarantula spiders at 8 scorpions at ipapadala sana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Base sa record, ang package ay mula Samut Parakain, Thailand at ito ay misdeclared bilang “teaching equipment.”

Naipadala ito nang walang kaukulang import permits. 

Agad namang inilipat ang mga scorpions at tarantulas sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU).

Posible namang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Protection and Conservation Act ang mga sangkot sa iligal na importasyon ng mga endangered species at magmulta ng P200,000.

Buwan ng Oktubre nang makakumpiska rin ang BoC ng 119 tarantulas mula Poland na nakalagay sa rubber shoes.