-- Advertisements --

Welcome development para kay Senior Deputy Minority Leader Paul Daza ang ginawang pagbabago ng house leadership sa panukalang Maharlika Wealth Fund.

Pinuri ni Daza ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez sa desisyon nito na amyendahan ang ipinapanukalang Maharlika Investment Fund.

Kasunod ito ng anunsyo na hindi na isasama ang SSS at GSIS bilang source ng paunang puhunan ng MWF.

Una nang sinabi ng Northern Samar representative na hindi siya tutol sa MWF ngunit maaaring hindi aniya ito ang tamang panahon para isulong ito.

Muli namang inihirit ng mambabatas na alisin na rin sa funding source ng MWF ang national budget.

Sa naging pahayag ni Marikina Rep. Stella Quimbo, isa sa may akda ng panukala, inihayag nito na maliban sa SSS at GSIS ay ikinokonsidera na rin nilang alisin ang national budget bilang bahagi ng start-up fund.

Apela naman Daza na hindi kailangan madaliin ang pagpapasa ng panukala.

Ayon sa economist solon malaki ang naging ambag sa pagbabago ng panukala ang isinagawang dialogue, stakeholder discussions, at expert consultations.

Dagdag pa ng mambabatas na kailangan din itong pag aralan ng mabuti.