-- Advertisements --

Aasahan ng mga manggagawang may minimum na sahod sa rehiyon ng Eastern Visayas ang pagtaas sa kanilang daily pay.

Ito ang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw.

Iniulat ng DOLE na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) VIII ay naglabas ng Wage Order No. RBVIII-22.

Ang desisyon ay nagbigay ng P50 na dagdag sahod na nagmumula sa mga tranches na P25 sa bisa ng wage order at isa pang P25 sa Enero 2, 2023.

Pagkatapos ng full implementation ng wage tranches, ang mga manggagawa sa non-agriculture sector at sa retail and service establishments na nagpapatrabaho ng 11 o higit pang manggagawa ay tatanggap ng arawang sahod na P375.

Samantala, ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura, cottage at handicraft, at retail and service establishments na nagpapatrabaho ng 10 manggagawa o mas mababa ay tatanggap ng arawang sahod na P345.

Gayundin, ang regional VIII’s wage board ay naglabas ng isa pang kautusan na nagbibigay ng P500 na umento sa sahod para sa mga domestic worker, na dinala ang bagong minimum na buwanang sahod para sa kasambahay sa Eastern Visayas sa P5,000 para sa mga chartered cities at first-class municipalities at P4,500 para sa iba pang munisipalidad.
Top