-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kung gusto mo, pagpapaguran mo. Yan ang pinanghuhugutan ng isang Mindanawon na naging 1st placer sa kakatapos lamang na June 2022 Criminoligst Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng Professional Regulations Commission o PRC, nakakuha ng 90.70% na passing rate ang tubong Cotabato City na si Lyen Carel Togonon Garcia na grumaduate sa University of Mindanao dito sa Davao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Davao kay Garcia, sinabi nito na hindi nya inaasahan na magta-top 1 ito sa nasabing licensure exam dahil tanging dasal nito ay kahit makapasok lang sa Rank 10.

Nang makita ni Garcia ang pangalan nya na nasa 1st place, wala umanong mapaglagyan ang kanyang kasiyahan at umiyak pa nga ito sa sobrang kagalakan.

Ngunit sa kabila nito, inamin ni Garcia na bago paman sya nag review ng 6 months ay sinubukan niya munang mag-apply sa Philippine National Police Academy o PNPA
noong 2021 ngunit hindi ito nakapasok sa final quota. Dahil dito, naging hopeless umano si Garcia.

Hindi naman nawalan ng pag-asa ang consistent honor student mula elementary hanggang college na si Garcia at inisip nito na may paparating na para sa kanya at yun nga ay ang manguna sa nasabing Licensure exam.

Mula January hanggang June, anim na buwan na rigid review, nasa average na 17-18 hours kada araw ang ginugugol nito.

Labis naman ang pasasalamat ni Garcia sa lahat ng sumuporta lalo na sa kanyang ina na naging gabay, suporta at inspirasyon nya sa kanyang pag-aaral.

(VC – GARCIA – ALMIGHT GOD) Ang pahayag ni Lyen Carel T. Garcia, 1st Placer sa June 2022 Criminoligist Licensure Examination.

Sa isinigawang exam sa mga gustong maging lisenyadong pulis sa bansa, 12,698 mula sa 41,913 na mga examinees o nasa 30.30% ang pasado mula sa 19 na mga testing centers sa boung bansa.