-- Advertisements --
image 16

Hindi pa rehistrado ang milyun-milyong mga motorisklo sa Pilipinas.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) ASec. Vigor Mendoza, doble pa ang bilang ng mga hindi rehistradong motorsiklo na tinatayang nasa 16 million hanggang 17 million kumapara sa mga rehistrado na nasa 8.5 million.

Karamihan sa mga hindi parehistradong motorsiklo ay sa National Capital Region, Region 3 at Region 4.

Paliwanag ng LTO chief na maraming nagmamay-ari ng mga motorsiklo ang nakalimutang mag-renew ng kanilang registration o nabigong magpalipat ng ownership matapos na makabili ng sasakyan.

Base sa datos ng LTO, noong 2003, nasa 38 million na 4-wheeled vehicle at motorcycle ang nasa kakalsadahan subalit tanging nasa 13.9 million na nakarehistro.

Nabigo kasi aniya ang mga may-ari ng motorsiklo na makapagparehistro lalo na kung sila ay nasa 3 hanggang 5 year plan.

Nagbabala naman ang opisyal sa mga mabibigong mag-transfer ng kanilang ownership ng sasakyan dahil posibleng magdulot ito ng problema kapag nasangkot sa aksidente ang pagmamay-aring sasakyan.