-- Advertisements --
image 180

Patuloy pa din ang pamamayagpag ng Milwaukee Bucks sa nagaganap na season ng NBA game ito’y matapos nilang tambakan ang koponan ng Utah Jazz sa kabuuang score na nagtapos sa 123-97.

Nagpakitang gilas ang star player ng Bucks na si Bobby Portis nang makapagtala ito ng 22 points at 14 rebounds.

Ang pagwawagi ng Bucks ay kanilang ng ika-21 na panalo nang magsimula ang bagong NBA season.

Nasayang naman ang nakuhang puntos ni Lauri Markkanen na 18 points dahil nabigo sila ng kontra katunggaling Milwaukee bucks na kung saan ito naman ang kanilang ika-15 na pagkatalo.

Samantala, nagwagi din ang Cleveland Cavaliers kontra kalaban nitong Dallas Mavericks nang ungusan nila nito ng isang puntos sa kabuuang score na 100-99.

Nakapag-ambag ng 18 points, seven rebounds at 12 assist ang top performer ng Cavaliers na si Darius Garland sa naganap na overtime game.

Nabalewala naman ang ginawang diskarte ni Christian Wood na 26 points at 14 rebounds dahil inilampaso pa din sila ng koponang Mavericks sa nagpapatuloy pa ding NBA game. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)