Mula sa Php2,600 per 50-kg bag noong February, tumaas ng hanggang Php2,800 ang mill gate price ng tubo.
Naging positibo naman ang tugon dito ng independent sugar group na United Sugar Producers Federation of the Philippines o UNIFED.
Para sa grupo, isang malaking relief daw ito sa mga magsasaka na nakararanas din ng epekto ng El Nino.
Ayon kasi sa UNIFED, humigit-kumulang 100-K hectares ng taniman ng tubo ang natuyot sa probinsiya ng Negros.
Sinabi rin ng national coordinator ng Task Force Mapalad na si Armando Jarilla na nararamdaman na ng mga magsasaka ang hirap dahil sa El Nino. Ang iba raw sa mga ito ay hindi na makapagbayad ng mga utang nila kaya sana raw ay matulungan sila ng gobyerno.
Matatandaan naman na inanunsiyo ni Sugar Regulatory Administration chief Pablo Azcona na naglaan na sila ng Php66-M para matugunan ang pangangailangan ng sugar industry sa Negros.