-- Advertisements --
Niyanig ng malakas na pagsabog ang military base sa lungsod ng Bata sa Equatorial Guinea.
Wala pang grupo ang umako sa nasabing insidente kung saan hindi pa mabatid ng mga otoridad kung ilan ang nasawi.
Maraming kabahayan rin ang nadamay sa nasabing malakas na pagsabog.
Itinakbo naman sa pagamutan ang maraming nasugatan habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad.










