Inihayag ng Department of Finance na tinatarget ngayon ng economic team ng pamahalaan na tapusin sa lalong madaling panahon ang konsultasyon at agad nang ihanda ang proposed bill nito para sa isinusulong na military and uniformed personnel pension bago ipagpatuloy ng Kongreso ang sesyon nito sa susunod na buwan.
Ayon kay Finance Undersecretary Maria Luwalhati Dorotan Tiuseco, kinakailangan ang paglikha ng isang pondo na tutuon sa naturang pensiyon upang makagawa ang fiscal space ang pamahalaan na makabebenepisyo sa parehong retired at active military and uniformed personnel.
Aniya, may ilan ring pagbabago ang inilipat ng economic team ng pamahalaan upang matugunan ang mga alalahanin at rekomendasyong nakalap ng pangkat ng ekonomiya sa mga nakaraang konsultasyon sa iba’t ibang serbisyo ng MUP.
Nauna nang ibinunyag ng Department of Finance na isa sa mga pangunahing bahagi ng MUP pension reform ay ang panukala para sa magkasanib na kontribusyon sa pagitan ng MUPs at ng gobyerno upang mapanatili ang pension fund.
Ang iba’t ibang mga pamamaraan ay inilagay din upang isaalang-alang ang iba’t ibang sitwasyon sa pananalapi ng mga pensiyonado.