Napagdesisyunan umanon ni North Korean leader Kim Jong Un na tuluyan nang itigil ang plano nitong military action laban sa South Korea.
Base sa state-run media na Rodong Sinmun, ginawa umano ni Kim ang nasabing desisyon habang isinasagawa ang preliminary teleconference meeting ng Central Military Commission.
Nakasaad din dito na inaral umano ng commission ang kasalukuyang sitwasyon ng dalawang Korea at sinuspinde ang military action laban sa South na pinaplantsa ng Korean People’s Army.
Ito’y matapos mamudmod ng leaflets ang South kung saan puno ito ng kritisismo laban kay Kim. Nakalagay ang bawat leaflets sa mga lobo.
Isa sa mga plano ng tropa-militar ng North ay ang pagpapadala ng kanilang mga tauhan sa mga tourist area at mamigay din ng retaliatory leaflets laban sa South.
Hindi naman nilinaw ng Rodong Sinmun ang dahilan sa likod ng pagpapatigil naturang hakbang.