NAGA CITY – Bukas ang militar sa plano ng Duterte administration na magkaroon muli ng peace talks sa mga rebeldeng grupo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Major Ricky Anthony Aguilar, Chief ng Division Public Affairs Office DPAO ng 9th Infantry Division Philippine Army, sinabi nitong hindi sila tutol sa peace talks dahil malaking bagay aniya ang ibubunga nito lalo na sa security sector.
Ngunit ayon kay Aguilar, dapat tiyakin munang seryoso ang kabilang panig.
Umaasa sila na hindi na mangyari muli ang kanilang naranasan sa nakaraan kung saan ginagamit lamang daw ng mga rebelde ang peace talks para magpalakas ng kanilang hanay.
Samantala, umaasa naman si Aguilar na magiging positibo na ang kalalabasan ng pag-uusap ng dalawang grupo sakaling muli itong ipagpatuloy.