Naka-alerto ngayon ang militar sa Visayas kasunod ng pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.
Itinaas na kasi sa alert level 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Mt. Kanlaon sa Kanlurang Visayas, kung saan namonitor ang mabilis na pagtaas ng aktibidad nito na posibleng humantong sa magmatic eruption.
Ayon sa pamunuan ng Visayas Command nas 34 Disaster Response Task Units (DRTU), mula sa 303rd Infantry Brigade of Joint Task Force Spear ang naka standby na ngayon na kumpleto sa essential disaster response tools, mobility, at communication assets na makakatulong para sa gagawing evacuation, search and rescue operations, at iba pang mga critical tasks.
Nangako naman si VISCOM commander, Lt. Gen. Fernando Reyes, na magsasagawa rin aniya sila ng mga proactive measures upang ma-mitigate ang potential impacts na dala ng pag alburoto ng bulkang Kanlaon.