-- Advertisements --

2ndid1

Pina-mobilize na ng pamunuan ng 2nd Infantry Division na may sakop sa area ng Southern Tagalog ang lahat ng military resources maging ang kanilang mga sundalo para tumulong para sa gagawing Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) bunsod ng pananalasa ni bagyong Quinta.

Tinututukan ngayon ng militar ang mga lugar ng Quezon at Mindoro.

Ayon kay 2nd Infantry Division commander M/Gen. Greg Almerol, dineploy na nito ang lahat ng kanilang HADR capabilities para makatulong sa disaster response ng mga pamahalaang lokal na apektado ng bagyo.

Naka-standby din sa ngayon ang nasa 419 na mga sundalo at 91 na mga military vehicles para sa deployment.

Siniguro naman ni Almerol na mahigpit pa ring ipatutupad ng militar ang minimum health standards sa mga gagawing humanitarian and disaster response para matiyak na walang mahawaan ng COVID-19 virus.

Sa kabila ng naranasang bagyo, nakaalerto rin ang militar laban sa mga posibleng pag-atake ng mga komunista na mag-take advantage sa sitwasyon.

Pinangunahan naman ng mga sundalo ang paglikas sa mga residente sa Bulalacao, Oriental Mindoro habang nagsagawa rin ng road clearing operation sa may bahagi ng Lumban, Laguna.