CENTRAL MINDANAO- Lumikas ang maraming sibilyan sa sumiklab na engkwentro ng militar at mga armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay South Upi Maguindanao Mayor Reynalbert Insular na nagka-engkwentro ang mga sundalo at mga armadong kalalakihan sa Brgy Kuya.

Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas ito patungo sa mga ligtas na lugar.

Matatandaan na nagkasagupa rin ang dalawang armadong pamilya sa hangganan ng Brgy Pilar at Brgy Pandan sa bayan ng South Upi.

Agawan sa lupa ang ugat nang engkwentro ng dalawang armadong grupo.

May mga nasasawi na at nasugatan sa engkwentro nang magkalabang grupo at pati ang tropa ng militar ay pinaputukan nila.

Sa ngayon ay mga mga tao nang inatasan si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu para ayusin ang gusot nang naglalabang grupo sa bayan ng South Upi.