Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Nakaalerto ngayon ang pulisya sa Sarangani matapos maaresto ang sinasabing lider ng militanteng grupo na naging miyembro rin ng New People’s Army (NPA).

Nasa kustodiya na ng Alabel Municipal Police si Margie Genosas matapos madakip sa ginawang manhunt operation ng pulisya.

Ayon kay B/Gen. Eliseo Tam Rasco, director ng Police Regional Office 12, kasong frustrated murder ang hinaharap ni Genosas kaya nila ito inaresto.

Kilalang pinuno at organizer umano ng Kadamay ang naaresto na dati na ring nasangkot sa land conflict.

Miyembro rin daw ito ng Guerilla Front 71 ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Sarangani at Davao Occidental Provinces mula 2009 hanggang 2016.