-- Advertisements --
toot ople

Tinitignan na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang umano’y human trafficking scheme kung saan nirerecruit ng Chinese companies ang mga Pilipino para magtrabaho para sa cryptocurrency scam sa Cambodia at Laos.

Ginawa ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople ang naturang pahayag matapos na masagip ng gobyerno ang nasa 12 Pilipino mula sa sindikato na nag-ooperate sa Myanmar.

Ayon kay Secretary Ople, naglabas na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng advisory para mabalaan ang mga overseas filipino workers lalo na ang mga nag-apply ng trabaho sa ibang bansa laban sa nag-aalok ng trabaho online gaya ng data encoders at customer service relations sa Southeast Asian nations.

Magugunitang nabunyag ang online illegal recruitment scheme matapos na isiniwalat ni Senator Risa Hontiveros na isa sa mga biktima ang dumulog sa kaniyang opisina at humingi ng tulong.

Nangako naman si Secretary Ople na magbibigay ng legal na trabaho para sa mga biktima, bibigyna ng financial assistance at psychosocial counseling.