-- Advertisements --

Nagbabala si International Energy Agency chief Fatih Birol na magdudulot ng pinakamalalang energy crisis ang kasalukuyang tensyon sa Middle East.

Ito ay kung hindi pa agad tumigil ang naturang kaguluhan.

Tinukoy ni Birol ang kasalukuang oil crisis bilang ‘napakalalang sitwasyon’ kung saan umaabot na sa 11 million bariles ng langis kada araw ang nairerehistrong nawawala dahil sa giyera.

Ito ay mas mahigit pa kaysa sa dalawang magkasunod na oil crisis na dati nang naranasan sa buong mundo noong 1970 kung saan aabot lamang noon sa limang milyong bariles ng langis ang nawawala kada araw.

Unang nagsimula ang giyera sa pagitan ng US, Israel, at Iran noong Pebrero 28, 2026 kung saan inilunsad ng US ang Operation Epic Fury, isang joint US-Israeli military campaign.

Ngayong Lunes (March 23, PH time), umakyat na sa $113.44 per barrel ang presyo ng North Sea Brent crude at posibleng lalo pa itong tataas habang hindi humuhupa ang tensyon sa naturang rehiyon. (report by Bombo Genesis)