-- Advertisements --
Kinansela ng Rolling Stones ang kanilang concert sa Amsterdam matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kanilang lead singer na si Mick Jagger.
Sa social media post ng legendary band, na humihingi na sila ng paumanhin sa mga nakabili ng tickets ganun din sa mga fans dahil sa hindi pagtuloy ng kanilang concert.
Nakaranas kasi ng sintomas ng COVID-19 ang 78-anyos na si Jagger pagkadating nito sa Johan Cruijff Arena sa Amsterdam.
Isinagawa ang anunsiyo halos dalawang oras bago ang kanilang concert kung saan hindi aniya makakanta at makatugtog si Jagger kaya minabuti na nilang kanselahin ang concert.