Tuloy na tuloy pa rin ang tagisan ng mga naggagandahang kandidata ng kauna-unahang edisyon ng Miss Universe Philippines (MUP) sa kabila ng coronavirus pandemic sa bansa.

Sa inilabas na “hot picks” ng isang pageant website, tatlo ang kanilang napili kinabibilangan ng pambato ng Davao City, gayundin ng Sorsogon, at mula Quezon City na si Michelle Gumabao.

Kung maaalala, ang volleyball player na si Gumabao ay minsang naging “binibini” candidate at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe 2018 kung saan siya ay nagtapos sa Top 15.

Ayon sa athlete beauty queen, tinitiyak nito na magiging malakas ang immune
system sa kasagsagan ng Miss Universe Philippines shoots at sumailalim na rin sa rapid test.

Sa ngayon ay nananatiling sa October 25 ngayong taon ang target coronation night ng Miss Universe Philippines sa MOA Arena.

Wala pa namang abiso kung paano ang “final walk” ni Gazini Ganados bilang 2019 Binibining Pilipinas-Universe ngayong hiwalay na ng franchise ang MUP.

Bigo si Ganados na maibigay ang back-to-back win sunod kay Catriona Magnayon Gray kung saan Top 20 finish lamang siya sa Miss Universe noong nakaraang taon.