-- Advertisements --

Nagwagi bilang best in costume sa Miss Universe 2023 ang pambato ng bansa na si Michelle Dee.

Inanunsiyo ito ng Miss Universe Organization sa kanilang social media post nitong Biyernes na nanguna si Dee sa Choicely App para sa Best National Costume.

Magugunitang namangha ang marami sa suot ni Dee sa pageant na isang airplane-inspired at ito ay inialay ay turismo ng bansa habang ang pakpak ng eroplano na may kulay katulad ng watawat ng bansa ay makikita ang slogan ng turismo na “Love the Philippines”.

Habang ang suot nito na captain hat ay bilang pagiging isang Air Force reservist si Dee.

Ang 28-anyos na si Dee ay nag-uwi na ng tatlong special awards at ito ay kinabibilangan ng Spirit of Carnival Awrd, Miss Universe’s fan vote at Voice for Change gold award.