-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Maharlika Investment Corporation president Rafael Consing Jr. sa panukala ni Speaker Martin Romualdez para sa MIC na mamuhunan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sinabi ni Consing na kabilang sa mga tangible benefits na lalabas sa partnership ay ang mas mababang gastos sa enerhiya gayundin ang maaasahan at matatag na grid.

Gayunpaman, sinabi ni Consing na ang desisyon na mag-invest ay nangangailangan pa rin ng maingat na deliberasyon.

Ayon kay Romualdez, ang strategic investment ng MIC ay maaaring magbigay ng essential capitals para sa mga imprastraktura at makatutulong sa pagpapababa ng halaga ng kuryente para sa mga mamimili.

Ginawa ni Romualdez ang panukala matapos matamaan nang malawakang pagkawala ng kuryente ang Panay Island nitong nakaraang linggo dahil sa multiple trippings of power plant sa lugar.