Patuloy pa rin sa pamamayagpag bilang top team sa Eastern Conference ang Miami Heat matapos na idispatsa ang Oklahoma City Thunder, 120-108.
Ito na ang ika-47 panalo ng Miami para mapatibay pa ang hawak na puwesto para sa NBA playoffs.
Kinumpirma na rin ng NBA na nasungkit ng Miami, na ang head coach ay ang Filipino-American na si Erik Spoelstra, ang pagsungkit nila ng korona sa Southeast Division.
Sa laro kanina, nanguna sa opensa ng Miami si Tyler Herro na may 26 points at si Duncan Robinson ay nagpasok ng 19 points.
Nag-ambag naman ang big man na si Bam Adebayo ng 19 points, habang hindi nakalaro ang All-Star na si Jimmy Butler.
Samantala, tuluyang na ring nalaglag at eliminated na ngayong regular season ang Orlando Magic, Detroit Pistons, Indiana Pacers at Houston Rockets.
Ang kauna-unahang team na nakapasok sa NBA playoffs ay ang Phoenix Suns na nakatipon na ng 56 wins.