-- Advertisements --

Humabol din ang Miami Heat sa trade deadline upang kunin ang serbisyo ng star guard ng Houston Rockets na si Victor Oladipo.

Bilang kapalit pakakawalan ng Miami sina Avery Bradley, Kelly Olynyk at magpapalitan sila sa 2022 first-round rights sa NBA draft.

Layon ng hakbang ng Miami na mapalakas pa ang kanilang team na kanina ay tumikim na naman ng talo sa Portland Trail Blazers, 125-122.

Samantala inaasahang makikipag-agawan din daw ang Miami na kunin na rin ang veteran big man ng San Antonio Spurs na si LaMarcus Aldridge.